Sino ba ako?!

Picture
Flat tops at curly tops? Ano yun?


Hindi sila tao at hindi rin sila hayop. Sila ay brand ng tsokolate dito sa Pilipinas.  At buong puso kong pinagmamalaking paborito ko sila kaya iyon ang napili kong screen name para sa mundo ng blogosphere.  Paborito ko ring mag-alaga ng hayop lalo na ang mga aso.  Pero syempre, Asong Pinoy o Aspin for short. ;) Kaya yung name ng site ko ay naging chocolatesandpuppies.


Nag-umpisa ang interes ko sa blogging noong 2007 lang sa Multiply.com.  Pero bihira lang ako magpost doon dahil sa katamaran. Hahahaha  After ilang years din, ayun napadpad ako sa wordpress.com noong May 2010.  Doon ako nagkaroon ng inspirasyon sa aking saloobin dahil sa mga taong nakilala ko doon. ;) At yun nga, nitong Hunyo ay napagdesisyunan kong lumipat ng tirahan para mas lumawak ang sakop ng aking site. ;)


Ako ay isang babae na naka-base sa Metro Manila.  Isa akong estudyante ng isang unibersidad. Hehehehehe  Makikilala mo naman ako sa pamamagitan ng pinopost ko dito. ;)